Nang makita ka'y di ko malaman,
Saan ka galing, sa’n paroroon
Nakuha mong kausapin ang aking puso
Nakakulong
Ilang araw, ilang buwan ang dumaan
Tayo'y naging tunay na magkaibigan
Kahit malayo ka'y parang andyan ka rin
Sa 'king piling, o may lihim...
(cho:)
Nais kong sabihin sa iyo,
Mahal kita at di kita iiwan
Nais kong yakapin ka’ng mahigpit,
Kailanman ay di kita pababayaan
Mahal ko, mahal ko...
Mga larawan mo'y nasa paligid
Minamasdan at hinahagkan
At habang lumilipad ang aking puso
May binabanggit, may sinasambit...
(repeat cho)
Uhhhh…..
Nais kong sabihin sa iyo,
Mahal kita at hindi kita iiwan
Nais kong yakapin ka’ng mahigpit,
Kailanman ay ‘di kita pababayaan
(repeat cho)
Nais ko... uhhhhhhh….
No comments:
Post a Comment